1 sundalo at 4 na CAFGU patay sa engkwentro sa NPA sa Oriental Mindoro

By Josephine Codilla-Radyo Inquirer contributor March 16, 2016 - 09:34 PM SHARE(S):

 

Inquirer file photo
Inquirer file photo

Nasawi ang 1 sundalo at apat na CAFGU habang apat pa ang sugatan matapos makasagupa ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Hagan, Bongabong, Oriental Mindoro.

Naganap ang engwentro alas 10:30 ng umaga kanina na tumagal ng 30-minuto, at aabot sa 30 miyembro ng NPA ang kanilang nakasagupa.

Ayon kay 4th Infantry Battalion Commander Lt. Col. Rodolfo A. Gesim nasawi sina Cpl. Roland T. Bernal, CAA Fulgencio B. Rolando, CAA Christer M. Gadon, CAA Garry S. Galindez at CAA Ernesto M. Malubay.

Habang kinilala naman ang mga nasugatan na sina Pfc Mark Leo A. Nacion, Pfc Argie P. Capucao, CAA Jesse S. Francisco at CAA Meddy M. Gaban.

Nakatakdang dalhin sa Roxas, Oriental Mindoro ngayong araw ang mga nasawi at sugatang sundalo at CAFGU.

Ayon kay Gesim nagsasagawa ng combat operations ang tropa laban sa mga tauhan ng NPA na responsible sa pagpaslang sa miyembro ng barangay council sa Brgy. Hagan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.