Red at Orange Warning level nakataas sa ilang bahagi ng bansa

Nakataas ang heavy rainfall warning ang ilang lugar sa bansa.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA, 11:00 Miyerkules ng umaga (November 11), ito ay dahil sa epekto ng typhoon Ulysses.

Nakataas ang red warning level sa Camarines Norte.

Orange warning level naman ang nakataas sa Albay, Catanduanes, Camarines Sur at Sorsogon.

Dahil dito, sinabi ng weather bureau na posibleng makararanas ng matinding pagbaha sa mabababang lugar.

Maaari ring magkaroon ng pagguho ng lupa sa mga landslide prone area.

Samantala, makararanas din ng moderate to at times heavy rains ang Masbate kasama ang Burias Island at Ticao Island, Marinduque, Romblon, OrientalMindoro at Northern Samar na maaring tumagal ng 1 hanggang 3 oras.

Pinayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.

Read more...