Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa buong mundo, pumalo na sa 51.22M na
Pumalo na sa 51.22 milyong katao ang nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa buong mundo.
Aabot sa 210 na bansa ang naapektuhan ng pandemya.
Nangunguna ang amerika na may mahigit 10 milyon na kaso kung saan mahigit sa 238,000 ang nasawi.
Sinundan ito ng India na mayroong 8.5 milyon na kaso at 127,000 na nasawi.
Nasa ikatlong pwesto naman ang Brazil na may 5.6 milyong kaso at 162,000 na nasawi.
Sinundan ito ng France at Russia.
Sa Pilipinas, nasa 399,749 ang nagpositibo sa COVID-19 kung saan 7,661 ang nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.