Pagbibigay ng ayuda ng NDRRMC itinigil muna dahil sa bagyong Ulysses
Pansamantalang itinigil ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang pagbibigay ng ayuda sa mga nabiktima ng bagyong Rolly sa Bicol region.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni NDRRMC spokesman Mark Timbal na ito ay dahil sa bagyong Ulysses.
Nais kasi aniya ng NDRRMC na masiguro muna ang kaligtasan ng kanilang mga tauhan.
Tiniyak naman ni Timbal na sa ngayon, sasapat pa naman ng ilang araw ang suplay ng pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga taga-Bicol.
Saka na lamang aniya itutuloy ang pagbibigay ng ayuda kapag natapos na ang pananalasa ng bagyong Ulysses.
Kasabay nito, inabisuhan na ng NDRRMC ang iba’t ibang lokal na pamahalaan na magpatupad na ng preemptive evacuation sa mga lugar na delikado sab aha at landslide.
Sa Metro Manila aniya, pinabaklas na ang mga billboard para makaiwas sa disgrasya. May kalakasan kasi aniya ang hangin na dala ng bagyong Ulysses.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.