Task Force Rolly, buuin – Sen. Bong Go

By Chona Yu November 11, 2020 - 09:32 AM

Isinusulong ni Senador Christopher “Bong” Go ang pagtatag ng Task Force Rolly.

Ito ay para mapabilis ang response, recovery at rehabilitation efforts ng pamahalaan sa mga nabiktima ng bagyo.

Ayon kay Go, nakausap na niya si National housing Authority General manager Marcelino Escalada Jr. para sa pagbuo ng Task Force Rolly.

Paliwanag ni Go, hindi lang kasi ang Catanduanes ang nasalanta ng bagyo kundi maging ang iba pang bahagi ng bansa.

Mahalaga kasi aniya na maayos ang koordinasyon ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan para sa agad na maibalik sa normal ang pamumuhay ng mga residente.

Humihirit din si Go kay Pangulong Rodrigo Duterte na ilabas na ang dagdag na calamity fund para matulungan ang lokal na pamahalaan sa kanilang pagbangon.

Hindi maikakaila na nasasaid na ang pondo ng lokal na pamahalaan dahil sa sunod-sunod na kalamidad.

Namigay ng relief goods kahapon si Go sa mga residente sa bato at Virac, Catanduanes.

TAGS: Bagyong Rolly, National housing Authority General manager Marcelino Escalada Jr., Rodrigo Duterte, Senador Christopher Bong Go, Task Force Rolly, Bagyong Rolly, National housing Authority General manager Marcelino Escalada Jr., Rodrigo Duterte, Senador Christopher Bong Go, Task Force Rolly

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.