Lumakas pa ang bagyong Ulysses.
Ayon sa PAGASA,kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers per hour sa direksyong westward.
May taglay itong lakas ng hangin na 110 kilometers per hour at pagbugso na 15 kilometers per hour.
Huling namataan ang bagyo sa 135 kilometer northeast ng Virac, Catanduanes o 350 kilometers east ng Infanta, Quezon kaninang alas-7:00 ng umaga.
Nakataas ngayon ang Tropical Cyclone Wind Signal No.2 sa sumusunod na Lugar:
– Central at southern portions of Quirino (Maddela, Cabarroguis, Aglipay, Nagtipunan)central and southern portions of Nueva Vizcaya (Kasibu, Bambang, Kayapa, Dupax Del Norte, Dupax Del Sur, Aritao, Santa Fe, Alfonso Castaneda)
– southern portion of Benguet (Bokod, Itogon, Tublay, La Trinidad, Sablan, Baguio City, Tuba)
– southern portion of La Union (Burgos, Naguilian, Bauang, Caba, Aringay, Tubao, Pugo, Santo Tomas, Rosario, Agoo)
– Pangasinan
– Zambales
– Bataan
– Tarlac
– Pampanga
– Nueva Ecija
– Aurora
– Bulacan
– Metro Manila
– Rizal
– Laguna
– Cavite
– Batangas
– Quezon including Polillo Islands
– Marinduque
– Northern portion of Occidental Mindoro (Paluan, Abra de Ilog) including Lubang Island
– Northern portion of Oriental Mindoro (Pola, Victoria, Naujan, Baco, Calapan City, San Teodoro, Puerto Galera)
– Camarines Norte
– Camarines Sur
– Albay
– Sorsogon
– Catanduanes
– Burias at Ticao Islands
Nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa:
– Isabela
– Rest of Quirino
– Rest of Nueva Vizcaya
– Kalinga
– Mountain Province
– Ifugao
– Rest of Benguet
– Abra
– Ilocos Sur
– Rest of La Union
– Rest of Occidental Mindoro
-Rest of Oriental Mindoro
– Romblon
– Rest of Masbate Northern Samar
– Northern portion of Samar (Santo Nino, Almagro, Tagapul-An, Tarangnan, Calbayog City, Santa Margarita, Gandara, Pagsanghan, San Jorge, San Jose de Buan, Matuguinao)
– Northern portion of Eastern Samar (Maslog, Dolores, Oras, San Policarpo, Arteche, Jipapad)
Sinabi ng PAGASA na kikilos ang bagyo pa-Kanluran at inaasahang dadaan sa hilagang bahagi ng karagatan ng Catanduanes ngayong umaga hanggang hapon, at sa hilagang bahagi ng Camarines Sur at Camarines Norte sa hapon o gabi.
Ang mata ng bagyo ay posibleng mag-landfall sa bahagi ng Polillo Islands at mainland ng Quezon ngayong gabi o bukas ng umaga.
Matapos mag-landfall ay tatahakin ng bagyo ang mainland ng Luzon at kanlurang bahagi ng seaboards ng Central Luzon ngayong gabi o bukas ng umaga.
Maaari pang lumakas ang bagyo at umabot sa typhoon category sa susunod na 6 hanggang 12 na may posibleng lakas na 130-155 km/h bago ito mag-landfall.
Posibleng bahagyang humina ang bagyo habang tinatahak nito ang mainland ng Luzon dahil sa Sierra Madre at Zambales Mountain Ranges pero mananatili sa typhoon category.