Pangulong Rodrigo Duterte mangungutang ng $300M para sa COVID-vaccine

Mangungutang si Pangulong Rodrigo Duterte ng 300 milyong dolyar para ipangbili ng bakuna kontra coronavirus disease o COVID-19.

Sa talk to the nation kagabi ng Pangulo, sinabi nito na mayroon nang bakuna.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos ianunsyo ng kumpanyang Pfizer at BioNTech SE na 90 percent na naging epektibo ang kanilang experimental vaccine kontra COVID-19.

Ayon sa Pangulo, uunahin niyang pabakunahan ang mga mahihirap na Filipino.

Read more...