Pangulong Duterte magbibigay ng pabuya sa mga magsusumbong sa mga korap na opisyal

By Chona Yu November 11, 2020 - 06:36 AM

Bibigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng 50,000 hanggang 100,000 pesos na pabuya ang sinumang nagsusumbong ng mga korap na opisyal ng pamahalaan.

Ayon sa Pangulo, dapat na ipaabot ang mensahe sa sinumang cabinet official.

Pangako ng Pangulo, itatago niya ang pagkakakilanlan ng informant hanggang sa kanyang kamatayan.

Kung tinatakot aniya ang informant, ipaalam lamang sa kanya at siya na ang bahala.

TAGS: korap na opisyal ng pamahalaan, pabuya, Pangulong Rodrigo Duterte, korap na opisyal ng pamahalaan, pabuya, Pangulong Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.