Rainfall advisory itinaas ng PAGASA sa Apayao at Cagayan

By Chona Yu November 11, 2020 - 05:30 AM

Nagpalabas ng orange rainfall ang PAGASA dahil sa bagyong Ulysses.

Makararanas ng malakas nap ag ulan ang bayan ng Calanasan sa Apayao at Sta. Praxedes sa Cagayan.

Binabalaan ang mga residente sa posibleng pagbaha at landslide.

Yellow warning level naman sa bahagi ng Conner, Flora, Kabugao at Luna sa Apayao at sa mga bayan ng Claveria, Gattaran, Gonzaga at Alcala sa Cagayan.

Mahina hanggang sa katamtaman naman na pag-ulan ang mararanasan sa mga bayan ng Peñablanca, Rizal at Santo Niño sa Cagayan at sa Cabagan, Divilacan, IlaganCity at Maconacon sa Isabela.

Binalaan ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na mag ingat dahil sa malakas na buhos ng ulan.

 

TAGS: Apayao, Bagyong Ulysses, Cagayan, rainfall advisory\], Apayao, Bagyong Ulysses, Cagayan, rainfall advisory\]

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.