Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 208 kilometers southeast ng bayan ng Jose Abad Santos, alas-12:48 umaga ng Miyerkules (November 11).
May lalim na 1 kilometer at tectonic ang origin ng pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES