Calatagan, Batangas niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Batangas.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 21 kilometers southwest ng bayan ng Calatagan, alas-3:57 umaga ng Miyerkules (November 11).

May lalim na 106 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Read more...