Nag-anunsiyo na ang ilang lalawigan ng suspensyon ng pasok sa trabaho at klase sa araw ng Miyerkules, November 11.
Ito ay dahil sa inaasahang pananalasa ng Bagyong Ulysses.
Inanunsiyo na ni Gov. Migz Villafuerte ang suspensyon ng pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa Camarines Sur.
Nananatili namang suspendido ang klase sa probinsya hanggang November 15.
Maliban dito, sinuspinde na rin ni Gov. Al Francis Bichara ang pasok sa trabaho at operasyon ng lahat ng business establishments kasama ang mga mall sa Albay.
Wala ring pasok ang mga Kindergarten student sa Canlubang Christian School, Inc. dahil sa bagyo.
I-refresh ang page na ito para sa pinakahuling update sa balita.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.