Ipinag-utos na ni PCG Commandant, Admiral George Ursabia Jr. sa mga commander ng Coast Guard units na direktang tatamaan ng bagyo na paigtingin ang precautionary measures at proactive disaster response operations.
Ito ay upang maitala ang ‘zero maritime incident.’
Pinatitiyak ni Ursabia sa Coast Guard Districts sa Bicol region at the National Capital Region (NCR) na siguraduhing handa ang deployable response groups (DRGs) at quick response teams (QRTs).
“Typhoon Ulysses is more powerful than Typhoon Rolly. This time, Metro Manila is in the direct path of the tropical cyclone and its outer ring will be as far as Cagayan Valley in the north of Luzon, as well as Bicol and Mindoro in the south. Let us monitor closely and prepare accordingly to uphold maritime safety at all costs,” pahayag ni Ursabia.
Samantala, ngayon pa lamang, ang Coast Guard units sa mga lugar na hindi direktang maaapektuhan ng bagyo ay nakikipag-ugnayan na sa kanilang PCG Auxiliary Squadrons para mag-repack ng mga pagkain, medical supplies, at iba pang relief goods.
Layon nitong matiyak na magiging mabilis ang pag-abot ng PCG ng humanitarian assistance sa mga pamilyang maaapektuhan ng bagyo.
“It may take a week kung maghihintay pa ng directive bago mag-mobilize. Mahalaga na ngayon pa lang, naghahanda na tayo,” ani Ursabia.