Serye ng mga pagsabog sa Masbate baka maulit ayon sa PNP

IED2Pinayuhan ng liderato ng PNP ang publiko na maging mas maingat kasunod ng serye ng pagpapasabog ng mga rebeldeng NPA sa ibat ibang lugar sa lalawigan ng Masbate kahapon.

Ayon kay PNP Chief Dir. Gen. Ricardo Marquez, posibleng samantalahin ng masasamang loob at maghasik ng mas matindi pang karahasan ang mga rebelde sa layuning mas marami pang tao ang kanilang mapinsala.

Paliwanag ni Marquez, nagtutulungan ang PNP at AFP para labanan ang komunistang grupo.

Bagaman pangunahin umano na ahensya sa paglaban sa mga rebeldeng NPA ang AFP, nakasuporta naman ang PNP sa pamamagitn ng pagsasagawa ng mga checkpoint operations.

Giit ni Marquez, dapat maging alerto ang mga taga Masbate at agad isuplong sa mga otoridad ang mga mao-obserbahang kahinahinalang kilos ng mga hindi kilalang indibidwal sa kanilang komunidad upang mapigilan ang anumang banta ng karahasan.

Ang Masbate ay kabilang sa mga lalawigan na tinututukan ng PNP kaugnay sa mga naganap na kaguluhan sa mga nakalipas na eleksyon.

Read more...