Sewerage Treatment Plan, napakahalaga sa Manila Bay – Sen. Villar

Pinuri ni Senator Cynthia Villar ang plano ng DENR na maglagay ng solar-powered Sewage Treatment Plant (STP) sa Baywalk Area sa Malate, Maynila.

Una nang naglagay ng STP sa lugar noong nakaraang Hulyo 30 para malinis ang mga maduming tubig mula sa mga kanal sa Padre Faura, Remedios at Estero de San Antonio Abad.

May kakahayan ang STP na maglinis ng 500,000 litro ng tubig kada araw.

Plano ng DENR na maglagay ng karagdagang STPs para sa maduming tubig mula sa Parañaque River, Tullahan-Tinajeros River at Las Piñas-Zapote River.

“We should all do our part, not just whenever we can, but as much as we can. All over the world, many things are happening due to environmental destruction, degradation and neglect,” sabi ng senadora.

Aniya, marami ang umaasa sa kanilang kabuhayan sa Manila Bay, partikular na ang mga mangingisda.

Banggit din ni Villar, may 1.7 milyong ektaryang drainage area ang Manila Bay at dito umaagos ang tubig mula sa 17 river systems kayat napakahalaga aniya na mapanatili ng LGUs ang kalinisan ng mga nasasakupan nilang ilog.

Read more...