#UlyssesPH, posibleng maging Severe Tropical Storm mamayang gabi; Signal no. 2, nakataas na sa ilang lugar

Bahagya pang lumakas ang Tropical Storm Ulysses, ayon sa PAGASA.

Sa severe weather bulletin, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 375 kilometers East Northeast ng Virac, Catanduanes o 500 kilometers East ng Daet, Camarines Norte bandang 4:00 ng hapon.

Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 105 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong Hilagang-Kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.

Bunsod nito, nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar:

Signal no. 2:
– Catanduanes
– Sorsogon
– Albay
– Camarines Sur
– Eastern portion ng Camarines Norte (San Vicente, Talisay, Daet, San Lorenzo Ruiz, Basud, Mercedes)

Signal no. 1:
– Quirino
– Nueva Vizcaya
– Eastern portion ng Pangasinan (San Nicolas, Natividad, San Quintin, Umingan, Balungao, Rosales, Santa Maria, Tayug, Asingan, San Manuel)
– Aurora
– Nueva Ecija
– Tarlac
– Pamapanga
– Bulacan
– Central at southern portions ng Zambales (Masinloc, Palauig, Iba, Botolan, Cabangan, San Felipe, San Narciso, San Marcelino, Castillejos, Subic, Olongapo City, San Antonio)
– Bataan
– Quezon kabilang ang Polillo Islands
– Metro Manila
– Rizal
– Laguna
– Cavite
– Batangas
– Nalalabing parte ng Camarines Norte
– Masbate kasama ang Ticao at Burias Islands
– Marinduque
– Romblon
– Oriental Mindoro
– Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Island
– Northern Samar
– Northern portion ng Samar (Santo Nino, Almagro, Tagapul-An, Tarangnan, Calbayog City, Santa Margarita, Gandara, Pagsanghan, San Jorge, San Jose de Buan, Matuguinao)
– Northern portion ng Eastern Samar (Maslog, Dolores, Oras, San Policarpo, Arteche, Jipapad)

Sa araw ng Martes, magdadala ang tail-end of a cold front ng light to moderate na kung minsan ay heavy rains sa Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Isabela, Apayao, at Ilocos Norte.

Kaparehong lagay ng panahon din ang iiral sa Aurora, Quezon, Bicol Region, Eastern and Central Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, at Bangsamoro dahil sa Bagyong Ulysses.

Maaari pang lumakas ang bagyo at maging severe tropical storm sa Martes ng gabi, November 9.

Ayon pa sa PAGASA, inaasahang magla-landfall ang sentro ng bagyo sa Quezon sa Huwebes ng madaling-araw, November 12.

Posibleng lumapit din ang bagyo sa Catanduanes at Camarines Norte sa Miyerkules ng hapon at gabi, November 11.

Read more...