Caroling, irerekomenda sa IATF na ipagbawal ngayong Kapaskuhan

By Jan Escosio November 10, 2020 - 05:16 PM

Online caroling ang nakikita ni Interior Secretary Eduardo Año na maaring maging alternatibo sakaling ipagpabawal ng Inter-Agency Task Force ang tradisyonal na caroling sa mga bahay.

Inamin ni Año na irerekomenda niya sa IATF na ipagbawal muna ang nakagawiang caroling sa nalalapit na Kapaskuhan dahil sa banta ng COVID-19.

Sa ngayon, hindi pa ipinagbabawal ang pangangaroling sa mga bahay.

Una nang sinabi ni Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, commander ng Joint Task Force COVID Shield, na susuportahan niya ang anumang rekomendasyon na ‘caroling ban’ para maiwasan ang hawaan ng nakakamatay na sakit.

Aniya, naiintindihan niya na tradisyon na ng mga Filipino tuwing Kapaskuhan ang pangangaroling ngunit katuwiran niya, nananatili ang banta ng COVID-19 at ang kanilang posisyon ay para rin naman sa kaligtasan ng lahat.

Ibinigay niya sa mga magulang ang responsibilidad sa pagpapaliwanag sa kanilang mga anak ng dahilan kayat kanselado muna ang pangangaroling sa taong 2020.

TAGS: 2020 Christmas caroling, IATF, Inquirer News, online caroling, Pasko, Radyo Inquirer news, Sec. Eduardo Año, 2020 Christmas caroling, IATF, Inquirer News, online caroling, Pasko, Radyo Inquirer news, Sec. Eduardo Año

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.