Pagbawi ng ekonomiya sa 2021, inaasahan na

By Erwin Aguilon November 10, 2020 - 05:04 PM

Naniniwala ang economic team ng administrasyon na tapos na ang madilim na kabanata ng bansa dahil sa COVID-19.

Ayon kay Acting Socioeconomic and Planning Secretary Karl Kendrick Chua, patunay dito ang bahagyang pag-angat ng ekonomiya ng bansa mula sa sa -16.9 percent noong second quarter patungo sa -11.5 percent sa 3rd quarter ng taong 2020.

Malinaw aniya ito na babawi ang ekonomiya pagdating ng 2021.

Hindi na rin aniya nakakagulat ang bagsak na GDP ng bansa sa third quarter dahil sa pagbabalik ng National Capital Region at ilang mga kalapit lalawigan gayundin ang Lungsod ng Cebu sa mas mahigpit na community quarantine.

Ang mga nasabi aniyang lugar ay nagbibigay ng 60 porsyento pagdating sa ekonomiya ng Pilipinas.

Kasama na rin aniya rito ang mahigpit ding protocol sa public transportation.

Dahil aniya rito, marami sa mga Filipino ang hindi nakapagtrabaho gayundin maraming industrisya ang hindi nagbukas.

Inihalimbawa nito ang National Capital Region na noong Setyembre ay 58.2 percent na mga manggagawa ang pinayagang magbalik trabaho pero 35.5 percent lamang ang kaya i-accommodate ng public transport dahil sa social distancing.

TAGS: COVID-19 pandemic, Inquirer News, Philippine economy 2020, Philippine economy 2021, Radyo Inquirer news, Sec. Karl Kendrick Chua, COVID-19 pandemic, Inquirer News, Philippine economy 2020, Philippine economy 2021, Radyo Inquirer news, Sec. Karl Kendrick Chua

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.