Bilang ng stranded na pasahero sa mga pantalan, nadagdagan pa
Nadagdagan pa ang bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), ito ay bunsod ng Typhoon Ulysses.
Sa maritime safety advisory hanggang 4:00, Martes ng hapkn (November 10), na-stranded ang 751 pasahero, truck drivers at cargo helpers sa mga pantalan sa Bicol region at Southern Tagalog.
Maliban dito, stranded din ang siyam na vessels, pitong motorbanca at 293 rolling cargoes.
Sinabi ng ahensya na moderate to rough sea condition ang nararanasan sa Bicol rehiyon habang light to moderate sea condition naman sa Southern Tagalog.
Patuloy naman ang 24/7 nationwide monitoring ng PCG Operations Center para sa istriktong implementasyon ng guidelines sa galaw ng mga sasakyang-pandagat.
Nakaalerto rin ang Coast Guard Districts, Stations, at Sub-Stations across sa bansa sakaling magkaroon ng emergency situations, katuwang ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.