Ilang bahagi ng Apayao, Cagayan nakataas sa orange rainfall warning

By Angellic Jordan November 10, 2020 - 03:01 PM

Nakataas ang heavy rainfall warning ang ilang lugar sa bansa.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA bandang 2:00 Martes ng hapon (November 10), ito ay dulot pa rin ng tail end of a cold front.

Nakataas ang orange warning level sa Apayao partikular sa Calanasan at Luna; Cagayan sa bayan ng Claveria.

Samantala, yellow rainfall warning naman ang nakataas sa Apayao sa bahagi ng Flora at Kabugao; Cagayan (Allacapan, Gonzaga, Lasam, Pamplona, Santa Ana, Santo Niño, Santa Praxedes at Sanchez Mira)

Dahil dito, sinabi ng weather bureau na posibleng makararanas ng matinding pagbaha sa mabababang lugar.

Maaari ring magkaroon ng pagguho ng lupa sa mga landslide prone area.

Iiral naman ang light to moderate rains sa Apayao (Conner, Pudtol at Santa Marcela); Cagayan (Peñablanca, Baggao, Alcala, Amulung, Buguey, Lallo at Santa Teresita); Ilocos Norte (Adams, Bacarra, Burgos, Bangui, Carasi, Dumalneg, LaoagCity, Pagudpud, Pasquin, Piddig, Solsona at Vintar); at sa Isabela (Divilacan, Maconacon at Tumauini).

Sinabi ng weather bureau na posibleng maramdaman ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.

Pinayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.

TAGS: Bagyong Ulysses, breaking news, heavy rainfall warning, Inquirer News, Orange Warning Level, Pagasa, Radyo Inquirer news, Tropical Storm Ulysses, UlyssesPH, weather update November 10, yellow warning level, Bagyong Ulysses, breaking news, heavy rainfall warning, Inquirer News, Orange Warning Level, Pagasa, Radyo Inquirer news, Tropical Storm Ulysses, UlyssesPH, weather update November 10, yellow warning level

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.