Moreno, tiniyak na mananatiling buhay ang diwa ng Pasko kahit may pandemya
Tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno na mananatiling buhay ang diwa at tradisyon ng Pasko kahit may pandemya sa COVID-19.
Ayon kay Mayor Isko, may nakapila nang holiday events sa Maynila sa mga susunod na linggo.
“Let the City of Manila be the beacon of hope during this season. We will not be stopped by the pandemic. Ang gusto ko makita nila is welcome po sila sa Maynila. What is the purpose of government? Government is service, public service,” pahayag ni Mayor Isko.
Magkakaroon pa rin aniya ng tradisyonal na Simbang Gabi sa Kartilya ng Katipunan katuwang ang Quiapo Church.
Mayroon din aniyang coffee festival na “Kape’t Luntian” sa Bonifacio Shrine Garden na ioorganisa ng Department of Tourism, Culture and Arts of Manila (DTCAM) at Sagada Coffee.
Mayroon din aniyang month-long bazaar “Paskuhan sa Maynila” na inirganisa ng Bureau of Permits.
“Let’s give businesses an opportunity to open. Maliban sa pagtutok sa tamang pagtugon sa pandemya, nakatutok na ang inyong Pamahalaang Lungsod sa paglikha, o pagtulong upang makalikha, ng trabaho, trabaho, trabaho,” pahayag ni Mayor Isko.
Umaasa si Mayor Isko na magbibigay inspirasyon sa publikoang mga nakapilang aktibidad para salubungin ang taong 2021.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.