NCR at ilang lugar sa Luzon, makararanas ng pag-ulan

Asahang makararanas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.

Batay sa thunderstorm advisory dakong 12:59 ng tanghali, katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin ang iiral sa Nueva Ecija, Bataan, Bulacan, Batangas at Zambales.

Maaapektuhan din ang Metro Manila partikular sa Parañaque at Las Piñas.

Uulanin din ang Ternate at Maragondon, Cavite; Tanay at Antipolo, Rizal; General Nakar at Infanta, Quezon.

Ayon sa weather bureau, iiral ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.

Read more...