Sen. Bong Go umapila ng calamity fund para sa mga nasalantang LGUs

By Jan Escosio November 10, 2020 - 12:35 PM

Nagpasaklolo na si Senator Christopher Go sa Malakanyang na bigyan ng calamity fund ang mga lokal na pamahalaan na labis na nasalanta ng mga nagdaang bagyo.

Ginawa ni Go ang apila ngayon nagbabanta na naman ang bagyong Ulysses sa mga lugar na pinadapa ng bagyong Rolly.

Ayon sa senador ang hinihingi niyang pondo ay para sa pagtugon ng mga lokal na pamahalaan sa paparating na bagyo at pambili ng mga pagkain, gamot at ibang pang pangangailangan.

Una nang hiniling ni Go sa Budget Department na bigyan ng calamity fund ang mga bayan sa Calabarzon, Mimaropa, at Bicol Regions, na katumbas ng kanilang isang porsiyentong Internal Revenue Allotments at ilagay ito sa Disaster Risk Reduction and Management Fund.

Sa pagtataya ng PAGASA, maapektuhan ng bagong bagyo ang mga lugar na nasalanta ng bagyong Rolly sa Kabikulan.

Banggit ng senador, maraming mahihirap na LGU ang hilahod na dahil sa pagtugon sa pandemiya at nasalanta pa sila ng kalamidad.

 

 

TAGS: bong go, calamity fund, bong go, calamity fund

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.