Pagbabalik ng kumpyansa ng publiko sa PNP hamon kay bagong PNP Chief General Sinas

By Erwin Aguilon November 10, 2020 - 12:33 PM

Hinimok ni Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin si bagong talagang PNP Chief Police Major General Debold Sinas na ibalik ang tiwala ng publiko sa pambansang pulisya.

Ayon kay Garbin, balot ang PNP ng mga anomalya kaugnay sa patuloy na pagkakasangkot ng ilang mga pulis sa iligal na droga, sugal, red-tagging at panghahalay.

dapat din anyang siguruhin ni Sinas sa mga Pilipino ang kanilang kaligtasan at seguridad.

Hiniling din ng kongresista sa PNP na palaging i-update at i-disclose sa kanilang mga social media accounts ang kumpletong listahan at detalye ng mga police officers na nahaharap sa criminal at administrative cases dagdag din dito ang listahan ng mga AWOL officers.

Nararapat lamang aniyang isapubliko ito at i-post sa social media nang sa gayon ay batid ng media at maging ng publiko ang posibleng banta sa safety and security na maaaring gawin ng mga AWOL at dismissed officers.

 

 

 

 

TAGS: debold sinas, NCRPO, PNP, debold sinas, NCRPO, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.