Tropical Storm Ulysses lumakas at bumilis pa; TCWS No. 1 nakataas sa maraming lalawigan
Lumakas pa at bumilis ang kilos ng tropical storm Ulysses habang papalapit ito sa landmass ng bansa.
Huling namataan ang bagyo sa layong 475 kilometers East ng Virac, Catanduanes.
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong Northwest sa bilis na 15 kilometers bawat oras.
Nakataas na ang tropical cyclone wind signal number 1 sa sumusunod na mga lugar:
– Catanduanes
– Camarines Norte
– Camarines Sur
– Albay
– Sorsogon
– eastern portion ng Masbate (Aroroy, Pio V. Corpuz, Cataingan, Palanas, Uson, Dimasalang, Masbate City, Mobo, Baleno) kabilang ang Ticao at Burias Islands
– southern portion ng Quezon (Atimonan, Padre Burgos, Agdangan, Unisan, Plaridel, Gumaca, Pitogo, Macalelon, General Luna, Lopez, Catanauan, Mulanay, San Francisco, San Andres, San Narciso, Buenavista, Guinayangan, Tagkawayan, Calauag, Quezon, Alabat, Perez)
– Northern Samar
– northern portion ng Samar (Santo Nino, Almagro, Tagapul-An, Tarangnan, Calbayog City, Santa Margarita, Gandara, Pagsanghan, San Jorge, San Jose de Buan, Matuguinao)
– northern portion ng Eastern Samar (Maslog, Dolores, Oras, San Policarpo, Arteche, Jipapad)
Ayon sa PAGASA sa mga susunod na weather bulletin, mas maraming lugar pa ang isasailalim sa tropical cyclone wind signal.
Posible ding umabot sa hanggang tropical cyclone wind signal no. 3 ang itataas sa mga lugar na daraanan ng bagyo.
Mamayang gabi ay lalakas pa ang bagyo at magiging severe tropical storm.
Bukas ng umaga ay maaring umabot pa ito sa typhoon category.
Posibleng tumama sa kalupaan ng Quezon ang bagyo sa Huwebes ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.