Mahigit 40 opisyal ng BI na sangkot sa “Pastillas Scheme” ipinatawag ni Pangulong Duterte sa Malakanyang
Ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang mahigit 40 opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na sangkot sa “pastillas controversy”.
Ito ang mga tauhan ng BI na nakatalaga sa airport na tumatanggap ng pera na suhol para makabilis na makapasok sa bansa ang mga Chinese. Nakarolyo ang perang suhol na kapareho sa pastillas.
Nabatid na sinermunan at sinabon ng husto ni Pangulong Duterte ang mga tauhan ng BI.
Sa photo release ng Malakanyang, may mga nakalagay na nakarolyong papel na kamukha ng pastillas sa mga upuan ng mga ipinatawag na BI officials.
Una rito, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ipinakain ni Pangulong Duterte ang mga pastillas na nasa upuan.
Pero ayon kay Guevarra, hindi totoong pastillas ang mga nasa upuan kundi perang nakarolyo kagaya ng pastillas.
Bukod kay Guevarra, kasama rin kagabi ng Pangulo sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Senador Bong Go.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.