Dagdag na 816 traditional jeep bibiyahe sa 16 na ruta sa Metro Manila simula bukas, Nov. 11

Magbubukas ng karagdagang 16 na ruta para sa Traditional Public Utility Jeepneys (TPUJ) ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Dahil sa bubuksang mga bagong ruta, aabot sa 816 na karagdagang traditional na jeep ang makabibiyahe simula bukas, Nov. 11, 2020.

Narito ang mga sumusunod na modified na ruta para sa mga tradisyunal na jeep:

– Edsa/Shaw Blvd – E. Rodriguez (Brgy. Ugong), Vargas Ave.
– Edsa/Shaw Blvd – E. Rodriguez /Ortigas Ave.
– Edsa/Shaw Blvd – E.R. Ort via Shaw Blvd
– Edsa/Shaw Central – Pateros
– Dapitan- Libertad via Mabini
– Dapitan- Pasay Rtda via L. Guinto
Del Pan – Guadalupe
– Divisoria – Pasay Rtda via L. Guinto
– Divisoria – Punta via Sta. Mesa
– Libertad – QI via L. Guinto
– Malanday – Pier South
– Proj. 2&3 – Remedios via E. Rodriguez
– Filinvest City Located at Alabang, Muntinlupa
– Kabihasnan – Sucat
– Nichols – SM Mall of Asia via Macapagal Ave
– Sucat – Market Market (Fort Bonifacio, Taguig)

Maaaring bumiyahe ang mga roadworthy PUVs na may valid at existing Certificate of Public Convenience (CPC) o Application for Extension of Validity, at kinakailangang nakarehistro sa Personal Passenger Insurance Policy ang bawat unit sa mga rutang nakapaloob sa MC.

Bilang kapalit ng Special Permit (SP), mayroong QR Code na ibibigay sa bawat operator na dapat ilagay sa short bond paper at ipaskil sa PUV. Mada-download ang QR Code mula sa official website ng LTFRB na https://ltfrb.gov.ph/

Narito naman ang bilang ng mga ruta na binuksan sa loob at labas ng Metro Manila at bilang ng mga PUV na bumibiyahe sa mga naturang ruta simula noong ipatupad ang General Community Quarantine noong 01 Hunyo 2020:

1. TRADITIONAL PUBLIC UTILITY JEEPNEY (PUJ)
Bilang ng mga rutang binuksan: 387
Bilang ng authorized units: 33,979

2. MODERN PUBLIC UTILITY JEEPNEY (PUJ)
Bilang ng mga rutang binuksan: 48
Bilang ng authorized units: 865

3. PUBLIC UTILITY BUS (PUB)
Bilang ng mga rutang binuksan: 35
Bilang ng authorized units: 4,499

4. POINT-TO-POINT BUS (P2P)
Bilang ng mga rutang binuksan: 34
Bilang ng authorized units: 387

5. UV EXPRESS
Bilang ng mga rutang binuksan: 118
Bilang ng authorized units: 6,755

6. TAXI
Bilang ng authorized units: 21,436

7. TRANSPORT NETWORK VEHICLES SERVICES (TNVS)
Bilang ng authorized units: 25,068

8. PROVINCIAL PUBLIC UTILITY BUS (PUB)
Bilang ng mga rutang binuksan: 20
Bilang ng authorized units: 459

9. MODERN UV Express
Bilang ng mga rutang binuksan: 2
Bilang ng authorized units: 40

 

 

 

 

Read more...