Ang paglalabas ng animated short ay bahagi ng selebrasyon ng ika-40 taon ng “Disney” at “Make-A-Wish America”.
Ang three-minute animated short ay mayroong titulo na “From Our Family to Yours.”
Sinimulan ang eksena sa Pilipinas taong 1940 kung saan may makikitang pampasaherong jeep, mga barong-barong, mga parol at isang pamilyang Pinoy.
Niregaluhan ng ama ang kaniyang anak ng Mickey Mouse na stuff toy.
Pagkatapos ng nasabing eksena ipinakitang mistulang nag-migrate ang pamilya sa ibang bansa at taong 2005 na ang eksena.
Ang kabilang na sa eksena ay ang lola at kaniyang apo.
Makikita sa short film na kahit nasa ibang bansa na, tuloy ang taun-taon na pagdiriwang ng Paskong Pinoy ng mag-lola sa pamamagitan ng paggawa ng parol at pagdedekorasyon sa kanilang bahay.
Subalik habang lumalaki ang bata, tila unti-unti itong nawala na ikinalungkot ng kaniyang lola.
Isang gabi, nang umuwi ang apo, nagpasya siyang sorpresahin ang kaniyang lola at nilagyan ng maraming parol at dekorasyong pang-Pasko ang kanilang bahay.
Sa buong short film ay kasa-kasama ang Mickey Mouse stuffed toy na mistulang naging bahagi na ng pamilya.