Antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nadagdagan sa magdamag
Nadagdagan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.
Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 205.09 meters alas-6:00 umaga ng Martes (November 10) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 204.38 meters.
Tumaas din ang antas ng tubig ng Ipo dam sa 100.53 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 100.36 meters habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nadagdagan din na nasa 79.40 meters ngayong umaga mas mataas sa antas nito kahapon na 79.39 meters.
Ang water level ng San Roque, Pantabangan, at Magat dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang Ambuklao, Binga at Caliraya dams.
Samantala, patuloy naman sa pagpapakawala ng tubig ang Ambuklao, Binga at Magat dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.