70 percent ng suplay ng kuryente naibalik na sa ilang bahagi ng Albay
Ilang lungsod at bayan sa Albay ang unti-unti nang naibaibalik ang suplay ng kuryente.
Ayon kay Albay Gov. Al Bichara, 70 percent nang naibalik ang suplay ng kuryente sa Legazpi City, Daraga, Camalig at Sto. Domingo gamit ang Bac-Man Geothermal Power Plant.
Mayroon pang 230 na linemen na nagtutulong-tulong para sa restoration ng kuryente sa District 1 at 3.
Iaanunsyo pa ng APEC kung kailan ang target date para sa pagbabalik ng power supply sa Ligao City at Tabaco City.
Habang sa Malinao station na nagsusuplay sa Tiwi at Malinao, maaring abutin pa ng hanggang isang buwan bago mabalik ang kuryente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.