200 pamilya sa Tiwi, Albay tumanggap ng tulong mula sa Red Cross

By Dona Dominguez-Cargullo November 10, 2020 - 06:24 AM

Nahatiran na din ng tulong ng Philippine Red Cross ang nasa 200 na mga pamlya mula sa Tiwi, Albay.

Ang bayan ng Tiwi ay kabilang sa mga bayan sa Albay na matinding napinsala ng ng hagupit ng bagyong Rolly.

Namahagi ang Red Cross ng hygiene kits at jerry cans sa 76 na pamilya sa Brgy. Bariis at 124 na pamilya sa Brgy. Joroan sa Tiwi, Albay.

Tiniyak ng Red Cross na pupuntahan ang iba pang mga lugar na nasalanta ng bagyo.

“Relief is not only to give people their necessities. It’s also meant to give them hope to get back on life and make them feel that they are not alone,” ayon kay Red Cross Chairman at Sen. Richard Gordon.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Albay, red cross, Relief operations', RollyPH, Tiwi, Albay, red cross, Relief operations', RollyPH, Tiwi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.