Yellow heavy rainfall warning nakataas pa rin sa maraming lugar sa Cagayan

By Dona Dominguez-Cargullo November 10, 2020 - 05:58 AM

Nakararanas pa rin ng patuloy na malakas na buhos ng ulan ang maraming lugar sa lalawigan ng Cagayan.

Sa inilabas na heavy rainfall warning ng PAGASA alas 5:00 ng umaga ngayong Martes, Nov. 10 yellow warning ang nakataas sa Camiguin Island, FugaI sland, Luna, Apayao; Abulug, Aparri, Baggao, Ballesteros, Claveria, Gonzaga, Pamplona, Peñablanca, Santa Praxedes at Sanchez Mira sa Cagayan; at maging sa Pagudpud, Ilocos Norte.

Babala ng PAGASA maaring makaranas ng landslide o pagguho ng lupa dahil sa nararansang pag-ulan simula pa kahapon.

Samantala, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang nararanasan sa Calanasan, Apayao; Sto.Niño, Alcala, Piat, Rizal at Tuao sa Cagayan, at sa Adams, Ilocos Norte.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Apayao, Cagayan, Ilocos, tail-end of a cold front, weather, Apayao, Cagayan, Ilocos, tail-end of a cold front, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.