Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.
Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Lunes (November 9, 3:00 PM) nakapagtala ng 440 na bagong kaso kaya pumalo na sa 56,465 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 15,418
Laguna – 15,514
Batangas -9,822
Rizal – 11,450
Quezon – 4,261
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 7,506.
Nasa 47,449 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 376 na bagong recovery.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 13,006
Laguna – 13,982
Batangas – 8,803
Rizal – 9,332
Quezon – 2,326
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 18 kaya umabot na sa 1,510 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 406
Laguna – 325
Batangas – 285
Rizal – 373
Quezon – 121
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay