Dagdag na 48 kaso ng COVID-19, napaulat sa Eastern Visayas

Nadagdagan ng 48 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Naitala ang mga bagong kaso mula sa 517 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC at DWHVL.

Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 7:00, Lunes ng gabi (November 9), 7,365 na ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.

Sa nasabing bilang, 510 o 6.92 porsyento ang aktibong kaso.

Maraming residente ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.

Bunsod nito, umabot na sa 6,784 o 92.11 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Nasa 71 na ang mga residenteng nasawi o 0.96 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...