COVID-19 cases sa Baguio, sumampa na sa 2,500

Umabot sa 76 residente sa Baguio City ang nagpositibo pa sa COVID-19.

Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 6:00, Lunes ng gabi (November 9), umabot na sa 2,546 ang kabuuang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.

Sa nasabing bilang, 620 ang aktibo pang kaso.

95 naman ang bagong gumaling sa COVID-19.

Bunsod nito, 1,894 na ang total recoveries sa Baguio City habang 32 pa rin ang death toll.

Samantala, sa suspected cases, nasa 4,445 ang aktibo habang 3,160 ang naka-recover.

Patuloy namang nakasailalim sa 14-day quarantine ang 18,525 na residente habang 20,313 ang nakatapos na.

Read more...