P10,000 chalk allowance ng public school teachers, aprubado na sa Senado

Walang kumontra sa mga senador sa panukala na itaas hanggang sa P10,000 ang ‘chalk allowance’ ng public classroom teachers sa bansa.

Sinabi ni Sen. Ramon Revilla Jr., namumuno sa Committee on Civil Service, na kapag naging batas, mabebenepisyuhan nito ang higit 800,000 public school teachers sa bansa.

Ang Senate Bill No. 1092 ay ipinalit lang sa mga panukala nina Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Revilla, Sen. Sonny Angara at maging si Revilla.

Nakasaad sa panukala na sa taong 2021 hanggang 2022, P5,000 ang tatanggapin na Chalk Allowance ng mga pampublikong guro, tataas ito sa P7,500 sa 2023 hanggang 2024 at magiging P10,000 simula sa 2024.

Ito ay base sa naging panukala ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa katuwiran na para kayanin ng gobyerno ang umento.

Read more...