#UlyssesPH, napanatili ang lakas; Signal no. 1, nakataas na sa ilang lalawigan

By Angellic Jordan November 09, 2020 - 11:30 PM

Napanatili ang lakas ng Tropical Storm Ulysses habang kumikilos sa Philippine Sea.

Batay sa severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 485 kilometers Silangan ng Borongan City, Eastern Samar o 560 kilometers Silangan ng Catarman, Northern Samar dakong 10:00 ng gabi.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers per hour.

Tinatahak nito ang direksyong West Northwest sa bilis na 20 kilometers per hour.

Dahil sa bagyo, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:
– Eastern portion ng Camarines Sur (Siruma, Tinambac, Goa, Tigaon, Sagnay, San Jose, Lagonoy, Garchitorena, Presentacion, Caramoan)
– Eastern portion ng Albay (Tiwi, Malinao, Tabaco City, Malilipot, Santo Domingo, Bacacay, Rapu-Rapu, Manito)
– Catanduanes
– Northeastern portion ng Sorsogon (Sorsogon City, Gubat, Prieto Diaz)
– Eastern portion ng Northern Samar (Laoang, Palapag, Mapanas, Gamay, Lapinig)

Sinabi ng weather bureau na maaari pang lumakas ang bagyo sa maging Severe Tropical Storm sa susunod na 24 oras.

Posible ring umabot pa sa typhoon category ang bagyo sa Miyerkules ng umaga, November 11.

Ayon sa PAGASA, maaaring mag-landfall ang bagyo sa Quezon sa pagitan ng Miyerkules ng gabi at Huwebes ng umaga, November 12.

Nagbabala naman ang weather bureau na hanggang Martes, magdadala ang tail-end of a cold front ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay mabigat na buhos ng ulan sa Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, eastern portion ng Isabela, at Apayao.

Kaparehong lagay din ng panahon ang iiral sa Aurora, Quezon, Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga, at Davao Region dahil sa Bagyong Ulysses.

TAGS: Bagyong Ulysses, breaking news, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, Tropical Storm Ulysses, UlyssesPH, weather update November 9, Bagyong Ulysses, breaking news, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, Tropical Storm Ulysses, UlyssesPH, weather update November 9

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.