18 pang residente sa Muntinlupa, gumaling sa COVID-19
By Angellic Jordan November 10, 2020 - 12:17 AM
Umabot na sa 4,746 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.
Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 5:00, Lunes ng hapon (November 9), sa nasabing bilang ay 45 ang aktibong kaso.
306 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 55 ang suspected cases.
Samantala, 4,548 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 153 pa rin ang bilang ng nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.