Pagbabayad sa LGU taxes, pinalawig ng DOF hanggang sa Disyembre 19
Nagpalabas ng circular ang Department of Finance (DOF) na nagpapalawig hanggang sa darating na Disyembre 19 ang deadline para sa pagbabayad ng mga buwis at iba pang singilin ng mga lokal na pamahalaan.
Ang circular ay alinsunod sa nakasaad sa Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.
Nilinaw ng department circular na ang lahat ng mga itinakdang deadline sa pagabayad ng mga buwis at iba pang bayarin ng mga lokal na pamahalaan ay mapapawalang bisa.
Ito ay ginagarantiyahan naman sa Republic Act 7160 o ang Local Government Code.
Nakasaad din sa kautusan na walang sisingilin na interest, surcharge o multa sa mga local tax, fee and charge na mababayaran bago o sa mismong Disyembre 19.
Layon ng hakbang na mapagaan ang binabalikat ng mamamayan at mga negosyante dahil sa pandemya dulot ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.