Halos 400 katao, nahuling lumabag sa mga ordinansa sa Navotas City

By Angellic Jordan November 09, 2020 - 09:24 PM

Umabot sa 395 ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na safety measures at iba’t ibang ordinansa sa Navotas City sa magdamag.

Batay ito sa ulat ng Navotas City police, Task Force Disiplina at mga barangay.

Nahuli ang nasabing bilang ng violators mula 5:00, Linggo ng hapon (November 8), hanggang 5:00, Lunes ng hapon (November 9).

Pinakamaraming nahuling lumabag sa curfew na umabot sa 224 kung saan 113 ang adult habang 111 ang menor de edad.

Sumunod dito ang mga hindi nagsuot o hindi tama ang pagkakasuot ng face mask na umabot sa 142.

Pito naman ang bilang ng mga hindi sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing.

Samantala, anim ang nahuling walang suot na damit pang-itaas at 15 sa iba pang ordinansa.

TAGS: COVID-19 response, curfew violator, Inquirer News, Navotas City Police, Radyo Inquirer news, social distancing violator, COVID-19 response, curfew violator, Inquirer News, Navotas City Police, Radyo Inquirer news, social distancing violator

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.