Dagdag-bawas sa mga produktong petrolyo, ipatutupad bukas (Nov. 10)

By Angellic Jordan November 09, 2020 - 09:15 PM

Magpapatupad ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo sa araw ng Martes, November 10.

Base sa abiso ng Shell, Seaoil, Petron, Chevron Philippines Inc. (Caltex), PTT Philippines, Petro Gazz at Unioil, may tapyas na P0.20 sa kada litro ng kanilang gasolina habang may dagdag na P0.20 sa kada litro ng diesel.

Sinabi naman ng Shell, Seaoil, Petron at Caltex na P0.40 ang dagdag sa kada litro ng kanilang kerosene o gaas.

P0.20 rin ang kaltas sa kada litro ng gasolina ng Cleanfuel ngunit walang magiging pagbabago sa presyo ng kanilang diesel.

Epektibo ang oil price adjustment ng Cleanfuel bandang 8:01, Martes ng umaga.

Samantala, unang magpapatupad ng pagbabago sa presyo ng mga produkto ang Caltex bandang 12:01 ng hatinggabi.

Bandang 6:00 ng umaga naman magbabago ang presyo sa Shell, Petro Gazz, Seaoil, Petron, PTT Philippines at Unioil.

TAGS: breaking news, diesel price increase, gasoline price rollback, Inquirer News, kerosene price increase, oil price adjustment November 10, Radyo Inquirer news, breaking news, diesel price increase, gasoline price rollback, Inquirer News, kerosene price increase, oil price adjustment November 10, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.