Sinabi ng kalihim na ito ay dulot ng Tropical Depression Tonyo.
Ani Vilar, apektado ng pagbaha ang Abusag Overflow Bridge sa K543+382, Baybayog- Baggao-Dalin-Sta. Margarita Road sa Cagayan at ang Cabagan-Isabela Overflow Bridge sa Cabagan sa bahagi ng Sta. Maria, Isabela.
Aniya, nag-deploy na ng maintenance crew sa mga apektadong road sections.
Naglagay na rin aniya ng warning signs bilang gabay sa publiko.
Samantala, sa Mountain Province, sarado rin ang Jct. Talubin-Barlig-Natonin- Paracelis-Calaccad Road, K0384+900, Saligking Section, Talubin, Bontoc dahil sa collapsed slope.
Ang mga saradong kalsada ay base sa DPWH Bureau of Maintenance (DPWH-BOM) report hanggang 2:00, Lunes ng hapon, November 9.
Nananatili ring sarado ang apat pang kalsada sa Cordillera Administrative Region, Region 2 at Region 4-A bunsod ng mga nagdaang bagyo.