2 overflow bridge sa Cagayan Valley, sarado muna dahil sa pagbaha dulot ng Bagyong Tonyo

By Angellic Jordan November 09, 2020 - 07:45 PM

Inabisuhan ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar ang mga motorista na ang hindi muna maaaring daanan ang dalawang overflow bridge sa bahagi ng Cagayan Valley dahil sa pagbaha.

Sinabi ng kalihim na ito ay dulot ng Tropical Depression Tonyo.

Ani Vilar, apektado ng pagbaha ang Abusag Overflow Bridge sa K543+382, Baybayog- Baggao-Dalin-Sta. Margarita Road sa Cagayan at ang Cabagan-Isabela Overflow Bridge sa Cabagan sa bahagi ng Sta. Maria, Isabela.

Aniya, nag-deploy na ng maintenance crew sa mga apektadong road sections.

Naglagay na rin aniya ng warning signs bilang gabay sa publiko.

Samantala, sa Mountain Province, sarado rin ang Jct. Talubin-Barlig-Natonin- Paracelis-Calaccad Road, K0384+900, Saligking Section, Talubin, Bontoc dahil sa collapsed slope.

Ang mga saradong kalsada ay base sa DPWH Bureau of Maintenance (DPWH-BOM) report hanggang 2:00, Lunes ng hapon, November 9.

Nananatili ring sarado ang apat pang kalsada sa Cordillera Administrative Region, Region 2 at Region 4-A bunsod ng mga nagdaang bagyo.

TAGS: Bagyong Tonyo, breaking news, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Mark Villar, TonyoPH, Typhoon Tonyo aftermath, Bagyong Tonyo, breaking news, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Mark Villar, TonyoPH, Typhoon Tonyo aftermath

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.