Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (November 9), umabot na sa 398,449 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 29,018 o 7.3 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 2,058 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
82.7 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 9.4 porsyento ang asymptomatic; 2.8 porsyento ang severe habang 5.0 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 108 muli ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 7,647 o 1.92 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 182 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 361,784 o 90.8 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.