Convicted drug lord bumaligtad sa kaso ni Sen. Leila de Lima

By Jan Escosio November 09, 2020 - 12:23 PM

Nag-iba ng tono ang convicted drug lord na si Vicente Sy sa pagbibigay pahayag niya sa paglilitis sa kaso ni Senator Leila de Lima.

Ibinahagi ni Atty. Boni Tacardon, abogado ni de Lima, itinanggi na ni Vicente Sy na binigyan niya ng pera o nagkausap sila ni de Lima para sa pagbibigay ng pera para sa kampaniya nito sa 2016 senatorial elections.

Magugunita na unang sinabi ni Sy na nag-ambag siya ng P500,000 noong 2012, pero sa pagtatanong ng panig ng depensa sa convicted drug lord, binawi nito ang kanyang unang pahayag.

Iniharap naman ng prosekusyon si PAO lawyer Rigel Salvador at sinabi nito na siya lamang ang nag-notaryo sa sinumpaang-salaysay umano ni Jaybee Sebastian at inamin na wala siyang personal na nalalaman ukol sa sinasabing pagkakasangkot ni de Lima sa mga drug transactions sa loob ng Bilibid.

Maging ang empleado ng BuCor na si Dennis Alfonso ay nagsabi na nang magkasa sila ng Oplan Galugad sa loob ng pambangsang piitan wala silang nakuhang ebidensiya para madiin si de Lima sa mga alegasyon sa kanya.

Samantala, hinihintay pa rin ang resolusyon ng korte para sa dalawang magkahiwalay na motion for bail na inihain ng kampo ng senadora.

TAGS: Atty. Boni Tacardon, bucor, Oplan Galugad, Senator Leila De Lima, vicente sy, Atty. Boni Tacardon, bucor, Oplan Galugad, Senator Leila De Lima, vicente sy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.