Bagyong Ulysses lumakas at bumilis pa ayon sa PAGASA
Bahagya pang lumakas at bumilis ang kilos ng tropical depression Ulysses.
Ang bagyo ay huling namataan sa layong 635 kilometers East Northeast ng Surigao City, Surigao del Norte o sa layong 605 kilometers East ng Borongan City, Eastern Samar.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 40 kilometers bawat oras sa direksyong northwest.
Inaasahang lalakas pa ang bagyo at sa susunod na 24 na oras ay aabot sa tropical storm category.
Posible din itong tumama sa kalupaan ng Bico Region o Quezon area.
Mamayang gabi o bukas ng umaga ay magtataas na ng tropical cyclone wind signal ang PAGASA dahil sa bagyong Ulysses.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.