Halos kalahating milyon na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa buong mundo sa magdamag
Umabot sa halos 500,000 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo sa nakalipas na magdamag.
Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Lunes, (Nov. 9) ay 50,706,948 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 456,000 na bagong kaso sa magdamag.
Ang US ay nakapagtala ng mahigit 91,000 na dagdag na mga kaso.
Mahigit 46,000 naman ang bagong kaso na naitala sa India.
Ang Brazil ay nakapagtala lang ng dagdag na 10,000 na mga kaso.
Ang France ay nakapagtala ng mahigit 38,000 na bagong kaso.
Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:
USA – 10,277,373
India – 8,553,864
Brazil – 5,664,115
France – 1,787,324
Russia – 1,774,334
Spain – 1,388,411
Argentina – 1,242,182
UK – 1,192,013
Colombia – 1,143,887
Mexico – 961,938
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.