Yellow heavy rainfall warning nakataas pa rin sa Cagayan at Isabela

By Dona Dominguez-Cargullo November 09, 2020 - 08:59 AM

Maraming bayan sa Cagayan at Isabela ang patuloy na nakararanas ng pag-ulan.

Sa inilabas na heavy rainfall warning ng PAGASA, alas 7:50 ng umaga ngayong Lunes, Nov. 9, yellow warning na ang umiiral sa Camiguin Island, at sa mga bayan ng Abulug, Amulung, Baggao, Buguey, Gattaran, Gonzaga, Iguig, Lallo, Pamplona, Peñablanca, Santa Ana, Santa Teresita, Sanchez Mira at Tuguegarao City sa Cagayan at sa Cabagan, Divilacan, Ilagan City, Maconacon, San Pablo at Tumauini sa Isabela.

Babala ng PAGASA, posibleng makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar at landslides sa bulubunduking lugar.

Mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang nararanasan sa Flora, Kabugao, Luna, Pudtol at Santa Marcela sa Apayao; Allacapan, Alcala, Aparri, Camalanuigan, Enrile, Lasam, Piat, Solana at Tuao sa Cagayan; Delfin Albano, Gamu, Mallig, Quezon, Quirino, Roxas, Santa Maria at Santo Tomas sa Isabela; Pinukpuk, Rizal at Tabuk City sa Kalinga.

 

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, Cagayan, Inquirer News, isabela, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, yellow warning, Breaking News in the Philippines, Cagayan, Inquirer News, isabela, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, yellow warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.