Metro Manila, mga kalapit na lalawigan patuloy na uulanin – PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo November 09, 2020 - 08:10 AM

Patuloy na makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras sa Metro Manila at ilan pang lalawigan na kalapit nito.

Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA alas 8:00 ng umaga ngayong Lunes, Nov. 9 mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite at Batangas.

Mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang nararanasan na sa mga ;a;awigan ng Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Laguna, Rizal, Quezon at Tarlac.

Pinapayuhan ang mga residente na i-monitor ang lagay ng panahon at mag-antabay sa susunod na abiso ng PAGASA.

 

 

 

 

TAGS: Metro Manila, Pagasa, rainfall advisory\], weather, Metro Manila, Pagasa, rainfall advisory\], weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.