Water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nadagdagan sa magdamag

By Mary Rose Cabrales November 09, 2020 - 07:06 AM

Nadagdagan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 204.38 meters alas-6:00 umaga ng Lunes (November 9) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 202.81 meters.

Tumaas din ang antas ng tubig ng Ipo dam sa 100.36 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 99.81 meters habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nadagdagan din na nasa 79.39 meters ngayong umaga mas mataas sa antas nito kahapon na 79.30 meters.

Ang water level ng Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams ay nadagdagan.

Samantala, patuloy naman sa pagpapakawala ng tubig ang Binga dam kung saan bukas ang isang gate nito at nagpapakawala ng 0.3 meters na tubig.

 

 

 

 

TAGS: Angat Dam, dam, dam status, water level, Angat Dam, dam, dam status, water level

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.